SINISI ng isang opisyal ang espekulasyon sa muling pagtaas ng presyo ng asukal sa bansa sa kabila nang may sapat na suplay sa merkado.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni SRA Board Member and Planters’ Representative Pablo Luis Azcona na walang tigil ang mga haka-haka sa suplay at presyo ng asukal kayat sumisipa ang presyo nito.
“Iyong prices natin ay paakyat nang paakyat because everybody is speculating na maging kulang iyong asukal natin in the end; sa ngayon ay okay tayo kasi we’re milling. So, iyong speculation po is driving the prices up,” sabi ni Azcona.
Idinagdag ni Azcona na ilalabas sa merkado ang ilang bahagi nang aangkating 450,000 metric tons ng asukal para mapababa ang presyo ng asukal.
“So if need be, and the administration’s economic advisers deem so, we might have to release as more portion po. But the order of the DA and the President po is to make sure na hindi po mag-dive iyong farm gate price ng farmers natin,” aniya.
Base sa monitoring ng DA, pumapalo ang puting asukal mula P87 hanggang P110 kada kilo; washed sugar,P83 hanggang P95 kada kilo at brown sugar, P80 hanggang P95 kada kilo.