NAGKAABERYA ang operasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) dahilan para ma-stranded ang libo-libong pasahero kasabay ng pagbabalik sa trabaho at eskwela ng marami matapos ang long weekend.
Sa isang kalatas, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na alas-5:12 ng umaga nang suspindehin ang operasyon dahil sa abnormal signaling indication na naranasan sa kahabaan ng Shaw Boulevard station.
“All trains were stopped at the nearest station as a precautionary measure as technicians troubleshoot the issue,” sabi ng MRT-3.
Alas-6:58 ng umaga nang bumalik ang normal na operasyon ng MRT-3 dahilan para humaba ang pila sa mga istasyon.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa nangyaring aberya.
“We apologize for the inconvenience,” sabi ng MRT-3.