MRT-3 libreng sakay pinalawig hanggang Hunyo 30

PINALAWIG muli ng Department of Transportation (DoTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) hanggang Hunyo 30, 2022.

Sinabi ng DoTr na mananatili ang libreng sakay mula 4:40 a.m. hanggang 10:10 p.m.

“In light of positive feedback from commuters who benefitted from the program and to continue serving more passengers affected by rising fuel prices and inflation, the MRT-3 and the DOTr have decided to extend the FREE RIDE program until end of June,” sabi ng DoTr.

Unang ipinatupad noong Marso 28 ang libreng sakay na dapat ay magtatapos noong Abril 30. Ito ay pinalawig ng isa pang buwan o hanggang Mayo 30, 2022.

“Malaking kapakinabangan ‘yung libreng sakay sa ating mga kababayan. ‘Yung malaking natitipid nila sa pamasahe at ‘yung comfort and convenience ng paggamit ng isinaayos na MRT-3, gusto natin magtuluy-tuloy ‘yan. Kaya naman, napagdesisyunan natin na i-extend ang libreng sakay ng isa pang buwan para na rin mas marami pang pasahero ang makinabang at matulungan ng programa,”sabi ni Tugade.