Matapos mabanataan nang bonggang-bongga sa harap ng publiko, humingi ng paumanhin ang kolumnistang si Ramon Tulfo kay Pangulong Duterte.
Sa kanyang column sa Manila Times, sinabi ni Tulfo na “Mea culpa, mea culpa”, na ang ibig sabihin ay ang pag-amin niya sa kanyang pagkakamali.
Nitong Lunes sa kanyang address to the nation, bagamat nagbibiro ay tila ay halong pagbanat ang ginawang mensahe ni Duterte kay Tulfo na sinasabi niyang kanyang kaibigan.
Nag-react si Duterte sa social media post ng kolumnista nang kwestyunin nito na kung bakit hindi magawang magpakita ni Duterte sa publiko kung kaya naman pala nitong mag-golf, mag-jogging at magmaneho ng motorsiklo sa gabi.
Ayon kay Tulfo nasabi lamang umano niya ito para patunayan ng pangulo na maayos ang lagay ng kanyang kalusugan, lalo pa’t nag-trending ang mga hashtag na #nasaanangpangulo at #pataynaba.
“Again, mea culpa for those posts,” giit pa ng kolumnista.
Chika pa nito sa kanyang column na masaya umano siya tuwing napapatunayan na siya ay may pagkakamali.