Misis ng sikat na PBA player timbog sa ‘rentangay’ modus

SHOOT sa kulungan ang umano’y asawa ng isang sikat na basketball player makaraan umano niyang tangayin ang tatlong nirentahang sasakyan.

Nahaharap sa kasong extortion at carnapping ang suspek na si Beatrice Pia White alyas Janelle Consunji.

Nasakote si White at kasama nitong si Efcel Reyes sa entrapment operation nitong Lunes.

Base sa reklamo ng isang Alvin Clarinan, nirentahan ni White ang kanyang tatlong sasakyan sa halagang P30,000 bawat isa.

Pero makaraan ang ilang buwan ay hindi na nagbayad ng renta ang suspek at hindi na rin ibinalik ang mga sasakyan.

Nabawi naman ng mga otoridad ang tatlong sasakyan mula sa mga suspek.

Napag-alaman na maliban kay Clarinan, mayroon pang 20 indibidwal ang umano’y na-scam ni White.

Hindi naman kinilala ng pulisya ang sinasabing basketball player na asawa ng suspek pero inilarawan ito bilang Isa sa mga superstars ng PBA.