Misis kinatay ni mister, ‘inilibing’ sa bahay

SUMUKO sa pulisya ang padre de pamilya na pumatay sa kanyang misis at itinago ang bangkay nito sa abandonadong bahay sa San Isidro, Isabela.

Inamin ng suspek na napatay niya sa saksak ang asawa sa gitna ng kanilang pagtatalo noong Huwebes.

Nahaharap siya sa kasong parricide.

Bago ito, nadiskubre ng mga kapitbahay ang naaagnas na katawan ng 52-anyos na biktima sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Villaflor.

Ayon sa mga ito, sumingaw ang mabahong amoy kaya hinanap nila ang pinanggagalingan nito.

Hindi pinangalan ng pulisya ang mga sangkot sa krimen para maprotektahan ang ibang miyembro ng pamilya.