DAHIL sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng petrolyo dulot ng gera sa Ukraine, iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mabilisang pag-review sa minimum wage bilang tulong sa mga manggagawan maapektuhan ng inaasahang oil crisis.
Inatasan ni Bello ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards na tingnan ang posibilidad na iangat ang minimum wage ng mga manggagawa dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng langis na magdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Anya, ang kasalukuyang P537 minimum wage ay hindi na sapat para panustos sa basic commodities gaya ng pagkain, kuryente at tubig.
“Setting and adjusting the wage level is one of the most challenging part of minimum wage fixing. Minimum wage cannot be very low as it will have very small effect in protecting workers and their families against poverty. If set too high, it will have an adverse employment effect. There should be a balance between two sets of considerations,“ ayon kay Bello.
“Every year, we have what we call an anniversary period where we make an assessment of all petitions received. One petition called for a uniform increase of PhP 750 in the minimum wage nationwide, “ dagdag pa ni Bello.
Inaasahan na isusumite ng mga RTWPBs bago matapos ang Abril.