Metro Manila binaha kay ‘Ester’, habagat

NAKARANAS ng pagbaha ang ilang lugar sa Metro Manila dahil ng walang-tigil na ulan bunsod ng Habagat na pinalakas ng bagyong Ester, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Alas-12:42 pa lang ng hapon ay gutter-deep na ang taas ng tubig sa magkabilang direksyon ng Aurora Tunnel section sa Edsa, pero nadadaanan pa naman ng mga light vehicles.

Gutter-level din ang baha sa C5 Ortigas Service Road alas-12:44 ng hapon.

Abot-tuhod naman ang tubig sa northbound lane ng C5 Eagle Ave. bandang ala-1:20.
Mataas na rin ang baha, dagdag ng ahensya, malapit sa panulukan ng Edsa at Shaw Blvd.
Samantala, iniulat ng ilang netizens mula Pasig, Paranaque at Pasay na lubog na rin ng tubig-baha ang kanilang mga lugar.