Meralco magtataas ng singil ngayong Oktubre

KAPIT PUBLIKO, may masamang balita.

Magtataas ng singil ang Manila Electric Co. (Meralco) ngayong buwan.

Sa isang kalatas, sinabi ng Meralco nitong Biyernes, asahan na ang pagtaas ng singil sa kuryente ng isang tipikal na household ng P0.0283 kada kilowatt-hour o P9.1374.

Ang mga kostumer na kumukonsumo ng 200 kWh ay may dagdag na singil na P6 sa kanilang bill ngayong Oktubre.