Mayor Joy poprotektahan organizer ng Maginhawa Community Pantry

SUPORTADO ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang organizer ng Maginhawa Community Pantry na si Ana Patricia Non sa gitna ng ginagawang pangha-harass umano rito ng mga pulis.


Sa kalatas, nangako si Belmonte na poprotektahan si Non at ang mga organizers ng iba pang food pantries sa siyudad.


“I would like to personally assure Ms. Ana Patricia Non and other like-minded individuals that the local government of Quezon City fully supports Community Pantries,” ayon sa alkalde.


“The city government will therefore ensure that the organizers and beneficiaries of Community Pantries remain safe and unimpeded,” dagdag niya.


Inatasan na rin ni Belmonte si Quezon City Police District director Brig. Gen. Antonio Yarra na magsagawa ng imbestigasyon sa tila pananakot kay Non ng ilang pulis.
Hiniling din niya kay Lt. Col. Imelda Reyes, hepe ng Station 9, na siguruhin ang proteksyon ni Non at ng mga benepisyaryo ng community pantry.