FACEBOOK pa rin ang pangunahing source ng mga balita ng mga Pilipino sa social media, bagamat malaki ang itinaas ng TikTok, ayon sa isang pag-aaral na isinapubliko nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat na isinagawa ng Reuters Institute for the Study of Journalism mula Enero 18 hanggang Pebrero 2, tinatayang 15 porsiyento ng 2,023 Pinoy ang nagsabi na ginagamit nila ang TikTok para pagkuhaan ng mga balita.
Mas mataas ito ng siyam na puntos kumpara noong isang taon.
Sa kabila nito, 30 porsiyento ng mga respondent ang naniniwalang hindi sapat ang balitang nakukuha nila rito.
Batay pa rin sa ulat, nananatiling Facebook ang nangungunang pinagkukunan ng balita ng mga Pinoy na may 73 porsiyento.
Sinundan ito ng YouTube (57 porsiyento) Facebook Messenger (35 porsiyento), at Twitter (16 porsiyento).