LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas kaugnay ng mandatory na pagrerehistro ng mga post-paid and pre-paid subscriber identity module (SIM) card.
Sa botong 181-6-0, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill no. 5793 o Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act”, na naglalayong tulungan ang mga otoridad na mahuli ang masasamang loob na ginagamit ang cellphone sa kanilang ilegal na mga aktibidad.
Sa ilalim ng panukla kailangang maglagay ng SIM Card Register ang mga public telecommunication entities (PTE) at mga nagbebenta ng SIM cards at isumite ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kada anim na buwan.