UMABOT sa mahigit 130 ang nasugatan dahil sa paputok nitong nakalipas na holiday season.
Sa naitalang 137 kaso mula Disyembre 21 hanggang alas-6 ng umaga ng Enero 1, 87 ang nasugatan nitong pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Department of Health Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga kaso sa sandaling maisumite ang mga report mula sa 61 “sentinel hospitals” ng DOH hanggang Enero 6.
Ang mababang tala ng fireworks-related injuries ay bunsod ng taunang kampanya at paalala ng mga lokal na pamahalaan kontra paggamit ng paputok tuwing pagsalubong ng Bagong Taon.
Karamihan sa mga biktima ay mga batang lalaki na may edad 10 hanggang 14.