MAHIGIT tatlong milyong Pilipino ang walang trabaho matapos manatili ang unemployment rate nitong Pebrero 2022 sa 6.4 porysento, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ng PSA na ang Enero 2022 na unemployment rate ay nasa 6.4 porsyento rin.
Gayunpaman, ang rate ng kawalan ng trabaho noong Pebrero 2022 na naitala sa 8.8 porsiyento ay mas mababa kaysa sa naitala sa kaparehong buwan noong 2021.
“In terms of magnitude, this is translated to 3.13 million unemployed individuals 15 years old and over. This is lower by 1.06 million unemployed Filipinos compared to February 2021,” ayon sa PSA.