BAGO mag-alas-5 ng umaga ay daan-daan na ang nakapila para kumuha ng produkto sa Maginhawa community pantry sa Quezon City.
Ngayong araw ay muling binuksan ang community pantry ng organizer na si Ana Patricia Non, na nagdesisyon na suspindehin ito noong Lunes bunsod ng ginawang profiling at red-tagging sa kanya ng government security forces.
Matatandaang sinabi ni Non na ihihinto muna nila ang kanilang operasyon dahil nangangamba siya sa buhay niya at ng mga volunteers.
Reaksyon niya ito makaraang mag-post ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) at ang QC Police District ng mga graphics sa Facebook na iniuugnay ang community pantry sa mga komunista.