Mag-asawang tinodas sa QC kilala na, may kaso


NAKILALA na ang dalawang napatay sa Brgy. Mariana, Quezon City nitong Miyerkules.


Natunton ng mga pulis ang tirahan ng dalawa, na napag-alaman na mag-asawa, sa isang barangay sa Caloocan.


Kinilala ng ama ng babaeng biktima ang bangkay ng anak.


Hindi naman inilabas ng pulisya ang pangalan ng mag-asawang nasawi.


Ayon sa mga imbestigador, may standing warrant of arrest mula sa QC Regional Trial Court Branch 105 sa kasong estafa ang mag-asawa, pero ayon sa clerk of court ng branch ay nadismis na ang kaso noon pang 2019.


Matatandaan na sinundan ng dalawang motorsiklo ang sasakyan ng mga biktima at pinagbabaril ito pagdating sa Broadway Ave.


Nakatakbo pa ang babaeng biktima palabas ng sasakyan pero binaril ito sa kanto ng 6th St.


Tadtad naman ng bala ang likod ng lalaking biktima.


Nakuha ng mga pulis sa scene ang 24 na basyo ng M-16.


Hindi naman nakilala ang mga suspek dahil pawang naka-helmet ang mga ito.

Wala ring nakakuha sa plate number ng mga motorsiklo ng mga ito.