LPG may big-time price hike bukas

BAGO ang napipintong lockdown sa Agosto 6, may kailangan munang paghandaan ang publiko–ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) products simula bukas.


Sa advisory, sinabi ng Petron na tataas ng P3.35 ang kada kilo ng cooking gas o P36.85 kada 11-kilogram na tangke.


Itataas din ng kumpanya ang AutoLPG nito ng P1.87 kada litro.


Nakatakda ang taas-presyo alas-12:01 ng umaga ng Linggo.


Ayon sa Petron, ang panibagong pagtaas sa presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa world market.


Kamakailan ay inanunsyo rin ng LPG Dealers Association ang plano nitong P2 taas sa kada kilo ng LPG. –A. Mae Rodriguez