MAS niluwagan at pinahaba ng Pag-IBIG ang term ng pagbabayad ng mga umutang dito,
Sa isang kalatas, sinabi ng state-owned Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG, mula sa dalawang taon ay gagawin ng tatlong taon ang pagbabayad ng utang bilang tugon na rin sa pangangailangan ng mga miyembro nito sa gitna ng pandemya.
“This year, we are lengthening the term of our cash loans from two years to three years to give borrowers more time to pay off their loans, and more importantly, to make its monthly payments lower,” ayon kay Secretary Eduardo del Rosario, Chairman ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Pasok sa nasabing programa ay ang mga cash loans na nasa ilalim ng Multi-Purpose Loan (MPL), at Calamity Loan (CL) para sa mga lugar na inilagay sa state of calamity.
Ang MPL at CL ay nakapaloob sa Short-Term Loans para sa mga miyembro. Ito ay mas affordable at madaling ma-access ng mga miyembro nito.
Maaaring makapangutang ang miyembro haggang 80 porsiyento ng kabuuang Pag-IBIG Regular Savings nito.