LAKING tuwa ng isang labor group matapos maipabalita na ibabalik ang “Libreng Sakay” program ng pamahalaan.
Sa isang kalatas, sinabi ni Partidong Manggagawa (PM) national chairperson Rene Magtubo, na bagamat natutuwa sila sa pagbabalik ng Libreng Sakay program, patuloy naman nila anyang tututulan ang planong pagsasapribado ng EDSA Bus Carousel system.
“Free rides on EDSA is good news for workers and commuters. But privatizing the EDSA carousel will mean higher fares without better service once implemented. We should have learned our lessons from the epic fail of electricity and water privatization. Electricity rates in the country are the highest in Asia and water concessionaires cannot even provide 24/7 service,” pahayag ni Magtubo.
Malaki anya ang maitutulong ng Libreng Sakay dahil makakatipid ng pasahe at oras ang karaniwang mangagagawang Pilipino.
Anya, dapat ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagkontrol na mass transportation system.
Nitong Huwebes, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na naglaan na ang pamahalaan ng P1.285 bilyon para sa nasabing programa ng pamahalaan.
Matatandaan na nagwakas ang Libreng Sakay program noong Disyembre 31, 2022.