NGAYON ang huling araw ng libreng sakay sa Edsa Bus Carousel.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Martin Delgra, simula bukas ay maniningil na ang mga bus na bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa.
Nasa pagitan ng P13 at P61 ang pamasahe sa Edsa Bus Carousel, dagdag ni Delgra.
Ayon sa opisyal, plano ng pamahalaan ng ibalik ang libreng sakay sakaling maaprubahan ang Bayanihan 3.
Ang libreng sakay ay parte ng service contracting project ng LTFRB at Department of Transportation and Communication (DoTr) at pinopondohan sa ilalim ng batas na Bayanihan 2, na mawawalan ng saysay ngayong araw. Kamakailan ay sinigurado ni Delgra na magtuloy-tuloy ang libreng sakay.
“Bayanihan 2 law funding will end June 30. Congress can extend it until December 31, but whatever happens, there is P3 billion under the General Appropriations Act for the service contracting program so the free rides in Edsa Bus Carousel will continue,“ aniya.