MAGPAPATUPAD ng rolbak ang mga kumpanya ng langis kung saan aabot ng P2.60 hanggang P3.00 kada litro sa presyo ng diesel simula Martes.
Bukod sa diesel, bababa rin ang presyo ng gasoline mula P1.80 hanggang P2.20 kada litro at kerosene, mula P2.40 hanggang P2.80 kada litro.
Ayon sa ulat, ang bawas-presyo ang bunsod ng pagbaba ng demand dahil sa takot ng recession sa buong mundo.
Nitong Enero, sunod-sunod ang taas-presyo dahil sa pagbubukas ng ekonomiya ng China.