NAGLAAN ang Kongreso ng P254 milyon para pondohan ang P100,000 cash gift para sa mga Pinoy na umabot ng 100 taon.
Sinabi ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. na mas mataas ito ng 43 porsiyento kumpara sa P177 milyon na inilaan noong 2022.
“We in Congress are absolutely determined to sustain the annual funding required for the P100,000 cash gift of every Filipino who turns 100 years old,” sabi nj Campos.
Sa ilalim ng Centenarians Law of 2016 o Republic Act No. 10868, tatanggap ang lahat ng Pilipino na P100,000 na tax-free.
Ito’y bukod pa sa inilalaan ng mga lokal na pamahalaan na gantimpala sa mga senior citizens na aabot ng edad 100.
Ayon kay Campos, may hiwalay ba P100,000 cash gift na ibinibigay ang Makati City kayat P200,000 ang tatanggapin ng mga centenarian.
Aniya, simula 2016, 79 residente ng Makati ang nakatanggap na ng P100,000 bawat isa.