MAY panukala si dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin na i-promote ang kamote bilang staple food na pamalit sa kanin, lalo na ngayon na may kinakaharap na rice shortage at napipintong food crisis.
Bukod dito, higit na masustansiya ang kamote kumpara sa kanin na nagtatransform bilang “sugar” na mapanganib sa kalusugan, lalo na sa mga taong may diabetes.
Ginawa ni Garin ang pahayag matapos magbabala ang ilang farmers groups na posibleng makaharap ang bansa sa rice shortage sa susunod na taon dahil sa pagbagsak ng palay output bunsod na rin sa mahal na gastusin ng agricultural inputs.
“It is high time that the DA extensively promotes sweet potato as an alternative. One way of doing this is to increase production and make the necessary investment in root crops in terms of agricultural research, food technology, or marketing,” ayon kay Garin sa isang pahayag.
“The nutritious content of rice cannot compare to that of kamote since rice transforms into sugar in the body, making one susceptible to diabetes, while kamote is high in fiber and is one of the best foods that one can eat to prevent cancer,” pahayag pa ni Garin na isang doktor.
Hinikayat din ng mambabatas ang pamahalaan na bigyang insentibo ang mga restoran na mago-offer ng kamote kapalit ang kanin at iba pang pagkain gaya ng french fries.