SINABI ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nilabag ng transport network vehicle service (TNVS) provider na Joyride Ecommerce Technologies Corp. (JoyRide) fare structure na inilabas ng ahensiya.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni LTFRB Executive Director Maria Kristina E. Cassion na nagpakalat ang ahensiya ng mystery rider kung saan napatunayan totoo ang sumbong laban sa JoyRide .
“We found out na si JoyRide nga ay mayroon nga itong priority boarding. And what was sad, was that iyong isang mystery rider natin ay nag-try na mag-book na hindi magbayad ng priority boarding fee pero… wala talagang driver na kumuha sa kanya,”sabi ni Cassion.
Base sa reklamo ng isang pasahero umabot ng P1,000 ang kanyang ibinayad sa JoyRide dahil sa ipinapatong ng JoyRide dahil sa priority boarding fee.