TUMAAS pa ang inflation rate sa bansa matapos makapagtala ng 8.1 porsiyento nitong Disyembre, 2022, mas mataas kumpara sa 8.0 porsiyento noong November 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Idinagdag ng PSA na ito na ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas simula noong Nobyembre 2008.
Ayon sa PSA, umabot lamang sa 3.1 porsiyento ang inflation rate noong Disyembre 2021.
“The higher inflation in December 2022 than in November 2022 was primarily brought about by the faster year-on-year growth rate in the index of food and non-alcoholic beverages of 10.2 percent, from 10.0 percent in November 2022. This was followed by restaurants and accommodation services whose inflation rate accelerated to 7.0 percent, from 6.5 percent in November 2022,” dagdag ng PSA.
Idinagdag ng PSA na ikatlo ang bahay, tubig, elektrisidad, gas at iba pang produktong petrolyo sa nagpataas ng inflation matapos makapagtala ng 7.0 porsiyento nong Disyembre 2022, mas mataas kumpara sa 6.9 porsiyento noong Nobyembre.