Imported na sibuyas: P180 hanggang P200 ang kilo

SINABI ng Department of Agriculture (DA) na naglalaro na ang presyo ng imported na sibuyas mula P180 hanggang P200 kada kilo.

Idinagdag ng DA na aabot sa P180 kada kilo ang presyo ng imported na puting sibuyas, samantalang mula P180 hanggang P200 naman ang presyo ng pulang sibuyas.

Samantala, naglalaro naman sa P200 hanggang P330 kada kilo ang presyo ng lokal na pulang sibuyas at P180 hanggang P300 naman ang lokal na puting sibuyas.

Pinayagan ng DA ang importasyon ng sibuyas para umano mapapababa ang presyo nito matapos itong umabot sa mahigit P700 kada kilo nong Disyembre.