Nakiusap si Manila Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na unahin solusyunan ang pandemya kaysa ang pagtambak ng dolomite sa artifical white sand beach ng Manila Bay.
Ginawa ng auxiliary bishop ng Maynila ang pahayag matapos magsagawa ng panibagong replenishment ng dolomite sa parte ng Manila Bay na isinailalim sa rehabilitasyon nitong Miyerkules.
Pahayag pa ng obispo dapat unahin ng pamahalaan ang pagtugon sa kalusugan at kabuhayan ng mamamayan na apektado ng matinding problema ng pandemya.
“Kung talagang ang problema ngayon ay COVID-19 ay talagang dapat ang atensiyon natin at ang ating mga finances ay nakalagay diyan; tugunan muna natin ang pangangailangang pangkalusugan at ekonomiya ng mga tao,” ayon sa obispo.
Larawan mula sa CBCP News