SUPORTADO ni Senator Risa Hontiveros ang isinusulong ng mga transport group na taas-pasahe bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi ni Hontiveros na dapat madaliin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagrerepaso ng mga petisyon ng mga jeepney driver.
“Dapat timbangin mabuti ang petisyon sa taas-pasahe. Noong 2018 pa nuwebe pesos ang minimum fare. Doble na ang itinaas sa presyo ng krudo, marapat lang siguro na pakinggan ang hinaing ng ating mga tsuper,” sabi ni Hontiveros.
“Bakit nga naman mamamasada pa kung mapupunta lang ang kikitain sa pagpapakarga ng krudo at wala nang maiuuwi sa pamilya? Huwag nating hayaan na mangyari ito sa kanila,” aniya.