NAGKABUHOL-BUHOL ang trapiko sa unang araw ng paniningil ng toll sa Skyway Stage 3.
Napag-alaman na nalito ang maraming tellers sa mga toll plaza kung cash o RFID ang tatanggapin na bayad mula sa mga motorista.
Nalito rin ang mga motorista na may RFID dahil Autosweep lang ang tinatanggap sa Skyway at hindi ang Easytrip na ginagamit naman sa North Luzon Expressway.
Umaasa naman ang mga namamahala sa Skyway na luluwag din sa mga susunod na araw ang trapiko sa elevated highway.
Inihayag naman nila na bumaba sa 80,000 sasakyan mula sa dating 100,000 ang dumaan sa Skyway ngayong araw.
Mula sa P30 hanggang P264 ang halaga ng toll sa Skyway Stage 3.