POSIBLENG umabot sa 38.2 degrees Celsius ang heat index o human-perceived temperature ngayong araw sa Metro Manila, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Maliban sa Metro Manila, makaraanas din ng mainit na panahon ang Dagupan City, Laoag, at Sangley Point sa Cavite.
Payo ng Pagasa sa publiko, manatili sa loob ng bahay at uminom ng maraming tubig.
Naitala ang pinakamainit na panahon ngayong taon sa Dagupan City noong Abril 6 na umabot sa 49 degrees Celsius.