Grace Poe sa bus operators, DOTr: Commuter wag pahirapan

NANAWAGAN si Senador Grace Poe kay Transportation Secretary Art Tugade at sa mga bus operators na tugunan ang problemang dinadanas ng maraming commuter.

Ayon kay Poe, araw-araw na parusa ang dinaranas ng libo-libong commuter dahil sa kakulangan ng bus at mahabang pila sa pag-aabang o bago makasakay sa mga ito.

“‘Wag naman natin silang ipitin at pahirapan pa sa pag-aabang, pagbabakasakali at pagpapalipat-lipat ng masasakyan,” pahayag ni Poe, chair ng Senate committee on public services, sa isang kalatas.

“The bottomline is to serve our passengers coming to and from the provinces carrying heavy belongings, with meager resources and no home or place to stay in Metro Manila,” dagdag pa ng senador.

Partikular na nanawagan si Poe kay Tugade na tiyakin na mapagsilbihan ang mga commuter at maayos silang makasakay at makarating sa kanilang pupuntahan.

“We call on Secretary Tugade to ensure that things work out for our passengers who brave long hours of commuting under risk of peril,” dagdag pa ni Poe.