INIHAYAG ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 ang pagpapalawig ng libreng sakay sa MRT-3 hanggang Mayo 2022.
“To continue providing assistance to the riding public in their commuting needs, the MRT-3 management and the Department of Transportation (DOTr) have decided to extend for another month the implementation of the free ride or Libreng Sakay program in MRT-3,” sabi ng MRT-3 sa isang post sa Facebook.
Nagsimula ang libreng sakay noong Marso 28 at matatapos sana sa Abril 30 2022.
“Passengers will be able to continue enjoying free rides at the rehabilitated MRT-3 line until 30 May 2022, anytime between the rail line’s operating hours from 4:40 a.m. and 10:10 p.m.,” dagdag ng MRT-3.
Ayon sa MRT-3, umabot na sa 7,227,434 pasahero ang nakinabang sa libreng sakay.