MULING ipinatupad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon grid matapos magpatupad ng forced outage ang limang power plants.
Sinabi ng NGCP na epektibo ang yellow alert mula alas-1 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Idinagdag pa ng NGCP na umabot lamang sa 11,166MW ang suplay ng kuryente samantalang inaasahang aabot sa 10,455MW and demand sa kuryente ngayong arawa.
“Five power plants are on forced outage, while three others are running on derated capacities, for a total of 2,115MW unavailable to the grid,” sabi ng NGCP.