FB ni Pastor Quiboloy missing; tinanggal ng Meta?

MARAMI ang nababahala at marami rin ang natutuwa sa pagkawala ng Facebook page ni Pastor Apollo Quiboloy, ang pinuno ng Kingdom of Jesus Christ, na hindi na ma-access simula nitong Linggo.

Mayroong humigit-kumulang na dalawang milyong followers ang page ni Quiboloy.
Itinanggi naman ng mga administrators ng FB page na na-hack ito dahil bigla na lang umanong na-deactivate ang account nang walang pasabi.

Giit pa ng mga admins, walang nalabag na community standards ang page ni Quiboloy dahil pawang religious messages ang laman nito.

Sa kani-kanilang wall ay ipinost ng mga supporters ni Quiboloy ang kanilang hinaing sa Facebook.

“Hello Mr. Mark Zuckerberg. May I ask, why did Facebook take down the page of Pastor Apollo C. Quiboloy? May we know what violation against your rules the page committed? I think that is so unfair because we believe the page did not commit any violation.

“Why not take down all pages that are posting pornographic videos that are corrupting the minds of the youth instead?

“The good Pastor is only spreading goodness and hope to humanity.

“Please do not be overpowered by money and self-interest.

“Be a good role model to others and this FB page should only be used in spreading truth and goodness to the people,” anila.

Ganito rin ang reklamo ni Dennis Aquino, admin ng isang FB news site, na nade-activate ang personal account noong Disyembre kasabay ng libo-libong iba pa, kabilang ang TV host-comedian na si Wacky Kiray.

“Halos araw-araw yata meron nadi-disabled ang FB kahit wala kang violation. Baka kapag di mapansin ng Meta ang problema, siguradong meron na naman madi- disabled,” aniya.