IPINASARA ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang kilalang fastfood chain dahil sa mga paglabag nito.
“Pinasara ng LGU ang KFC Kapasigan kanina. Grabe yung kapal ng sebo, waste water nila diretso sa Parian Creek. Wala ring Environmental Permit to Operate (EPO),” sabi ni Sotto.
Idinagdag ni Sotto na dapat kumuha muna ang Kentucky Fried Chicken (KFC) ng EPO para makapagbukas muli ito.
“I love KFC, but I share this as a warning to other establishments,” dagdag ni Sotto.