INARESTO sa kasong estafa ang dating asawa ni Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na si Jewel Lobaton sa Laoag City nitong Lunes.
Ayon sa ulat, dinakip si Lobaton sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noon pang 2018 ni Judge Manuel B. Sta. Cruz Jr. ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 226.
Si Lobaton ang Binibining Pilipinas-Universe 1998.
Itinakda ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Lobaton sa P48,000.
Ikinasal sina Pimentel at Lobaton noong 2000 at mayroong dalawang anak. Na-annul ang kanilang kasal noong January 2008.