NANINIWALA ang Department of Trade and Industry (DTI) na hindi agad-agad magkakaroon ng epekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang nangyayari tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.
“So, hindi natin pa agad mararamdaman ‘yan and the consumers naman can rest assured na lahat po ng manufactured food products, dumadaan sa pag-aaral ng DTI. We validate tapos nine-negotiate rin natin sa kanila kung masyadong mataas para sa consumers,” sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo.
Sa ngayon, wala pa umanong natatanggap ang ahensiya ng mga kahilingan na magtaas ng presyo sa retail bunsod ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
“Ngayon, wala pa kaming nare-receive na additional request o mga panibagong [price increase] request due to fuel,” ayon sa opisyal.
“Dahil ang effect nito, ang impact on the cost of production is only three to five percent, average of 3.5 percent na sa sobrang liit niya, shino-shoulder na lang ng manufacturers,” paliwanag pa ni Castelo.
Lumagpas na sa $100 kada bariles ang presyo ng langis simula nang sakupin ng Russia ang Ukraine.