TINIYAK ni presidential spokesperson Harry Roque na bagaman wala pang kumpirmasyon na nakalabas na ng bansa ang drug lord na si Peter Lim, nakaantabay na ang Interpol laban dito.
“Wala pa namang confirmation po ‘yan. Sabi ng ating Department of Justice, na under ang Bureau of Immgiration, ay wala pang rekord na nakalabas si Peter Lim,” ani Roque.
“Notheless, nasa watchlist naman po ng Interpol si Peter Lim at I’m sure po gagawa ng hakbang ang DOJ to cancel his passport and to make sure that because he has no travel documentation, wherever he maybe, kung nasa abroad man siya, ay maalerto ‘yung receiving state,” dagdag ni Roque.
Kasabay nito, itinanggi ni Roque na mga mahihirap lang ang tinatarget ng administrasyon sa gera nito kontra droga.
“Una po ay wanted si Peter Lim, nakakulong si Senator (Leila) De Lima, proof na hindi lang mahihirap ang tinatarget dito sa war on drugs,” giit niya. –WC