Droga ipinahatid sa delivery rider; Tsino tiklo

HIMAS-REHAS ang Chinese national makaraang madiskubre na shabu ang laman ng package na tinanggap niya mula sa isang delivery rider sa Makati.


Tinutugis naman ng mga otoridad ang lalaki na nagpadala ng droga sa Tsino, 31, residente ng isang condominium sa Brgy. Bel Air.


Ayon sa ulat, nagtungo sa presinto ang rider nang makitang shabu ang ipinade-deliver sa kanya.


Aniya, nagsuspetsa siya na hindi facemask ang laman ng package dahil sa kahina-hinalang kilos ng lalaking nagpadala.


Kaya bago ihatid ang package ay sinilip muna niya ito at nagulat nang malamang droga nga ang laman nito.


Nasa 1.5 gramo ang bigat ng nakumpiskang shabu, ayon sa pulisya.


Todo-tanggi naman ang Intsik na alam niyang droga ang ipinadala sa kanya. Nahaharap ito sa kasong drug possession.