Driver nabagsakan ng streetlight

SUGAT sa ulo at braso ang tinamo ng isang driver nang bumagsak ang solar-powered streetlight sa Quezon Ave., Quezon City nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, sakay ang biktima ng isa sa dalawang sasakyan na napinsala sa insidente.

Natanggal ang streetlight sa pagkakakabit dito dahil sa malakas na hangin kaya bumagsak sa dalawang sasakyan na dumadaan sa Quezon Ave., malapit sa panulukan ng Edsa, alas-3 ng hapon.

Agad namang dinala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ng mga rumespondeng pulis.