TODO-TANGGI sina Interior Secretary Eduardo Año at National Police chief Gen. Debold Sinas na inatasan nila ang kanilang mga tauhan na i-harass at i-red tag ang mga organizers ng community pantries sa bansa.
Ayon sa mga opisyal, rumesponde lamang ang kapulisan sa mga lugar kung saan itinayo ang mga community pantries upang siguruhin na napatutupad ang minimum health standards.
“I have not ordered the PNP to look into the community pantries around the country…As long as the intention is good and without political color, it should be encouraged and supported,” ani Año.
“Since this is a purely voluntary and private initiative, we should not interfere except to ensure that minimum health standards are complied with,” dagdag niya.
Klinaro rin ni Sinas na walang kautusan na magsagawa ng profiling sa mga organizers.
“It is beyond the interest of the PNP to delve into purely voluntary personal activities of private citizens,” aniya.
Iginiit din niya na, “We have no intention to interfere but to serve the best interest of law and order and public safety in such public activities.”
Idinagdag ni Sinas na noong nakaraang taon ay may mga farmers’ organizations na namigay ng prutas at gulay sa mga mahihirap na komunidad sa Metro Metro Manila.
“The police did not interfere with these activities rather extended utmost assistance to ensure orderly distribution to the needy,” aniya.