FAKE NEWS.
Ganito inilalarawan ng Department of Education ang kumakalat na module sa social media dahilan para umani ng batikos at katatawanan ang kagawaran.
Ayon sa DepEd, hindi galing sa kanila ang history module kung saan hinihingi sa mag-aaral na mag-interview ng indibidwal na nakaranas ng Spanish era.
“Ask a person who experienced the Spanish era. Let him/her tell you how they managed during those times,” ayon sa instruction.
Dahil dito, samu’t saring meme ang lumabas sa social media para muling umani ng kontrobersya ang DepEd.
Ayon sa isang opisyal ng kagawaran, walang katotohanan na sa kanila nangmula ang nasabing history module.
Partikular din na tinukoy ng opisyal ang ilang malalaking news organization na gumamit ng istorya na hindi bineberipika sa kanila.