ISINUSULONG ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maging “swimmable” ang dolomite beach sa Manila Bay.
Layon ng kagawaran na maging paliguan din ito ng publiko bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.
Ayon kay DENR Undersecretary for policy, planning and international affairs Jonas Leones, papayagan na ang mga bisita ng dolomite beach na makaligo sa Disyembre.
Sa ngayon anya ay hindi muna ito pinapayagan bagamat maaari na nila itong bisitahin.
“Though people are allowed to visit the beach, swimming is still prohibited since there are still ongoing works to make the bay’s water quality fit for swimming,” dagdag pa ni Leones.
Nais din ng DENR na maging tourist attraction ang dolomite beach sa Manila Bay.
Samantala, bukas naman ito sa publiko araw araw.