TINIYAK ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na bababa sa P200 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa kalagitnaan ng Enero 2023 sa harap ng inaasahang anihan ng mga magsisibuyas.
Sa isang panayam sa radyo, inamin ni Agriculture Spokesperson Kristine Evangelista na hindi pa rin nakasusunod ang mga tindera sa P250 suggested retail price (SRP) dahil umano pinauubos pa ang kanilang suplay na nabili sa mataas na presyo.
“Sa ngayon po base sa ating pag-iikot mataas pa rin ang presyo ng ating mga tindera, inuubos nila ang kanilang stocks na nabili nang mahal,” sabi ni Evangelista.
Ito’y sa harap naman na umaabot pa rin sa pagitan ng P500 hanggang P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa mga palengke sa kabila ng P250 na SRP.
“Sana po nasa mga P200 kasi ang ating harvest paakyat naman ng January, February, nagpi-peak tayo ng March, April…bababa pa yan ng less than P250,” dagdag ni Evangelista.
Write to publiko