ITINALAGA ni Pangulong Duterte bilang bagong hepe ng Philippine Army si Major General Andres Centino.
Ito ang inanunsyo ni Defense Secretary Delfin Lorrenzana Sabado ng gabi, kasabay ang pagsasabi na malaki ang maiaambag ni Centino sa Sandatahan lalo na sa paglaban nito kontra grupong komunista, Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Papalitan ni Centino si Lt. General Jose Faustino, na na-appoint bilang acting chief ng Philippine Army noong Pebrero.
Kapwa miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1988 ang dalawa.
Bago ma-appoint bilang hepe ng Army, hinawakan ni Centino ang 4th Infantry Division, na siyang nakatoka para labanan ang mga komunista at Islamic militants sa Northern Mindanao at Caraga region