KABILANG si suspended Bureau of Corrections chief Dir. Gen. Gerald Bantag sa persons of interest sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.
Ito ang inanunsyo ni National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin Jr. ngayong araw.
Sa pulong-balitaan, inihayag ni Azurin na kabilang si Bantag sa 160 personalidad na pinuna ni Mabasa sa kanyang programa sa radyo na “Percy Lapid Fire.”
“Out of the 160 na mga personalities doon na mga nakasama doon sa issues doon sa programa ni Sir Percy Lapid, lahat po ‘yun persons of interest,” ani Azurin.
Sinuspinde si Bantag makaraang maiulat na namatay sa loob ng National Bilibid Prison ang umano’y middleman sa pamamaslang kay Mabasa na si Crisanto Villamor Jr. nitong Oktubre 18.
Ayon sa self-confessed gunman na si Joel Escorial, si Villamor ang nag-utos sa kanilang grupo na itumba si Mabasa.