BPI dapat bayaran mga customer na apektado ng glitch — Salceda

SINABI ni Albay Rep. Joey Salceda na dapat bayaran ng Bank of Philippine Island (BPI) ang mga customer na apektado ng glitch matapos naman ang mga insidente ng maling debiting ng mobile bank accounts.

“If any depositor loses money due to this glitch, they should be promptly reimbursed or compensated without being made to sign waivers or quitclaims,” sabi ni Salceda.

Idinagdag ni Salceda na nangangahulugan ang insidente na nananatili ang banta ng malawakang glitches sa cyberspaces.

“A resolution of this issue within the day should not preclude the Bangko Sentral ng Pilipinas from investigating the causes or potential weakness of the specific bank or the banking system as a whole,” dagdag ni Salceda.

Idinagdag ni Salceda na dapat gumawa ng hakbang ang BPI para maiwasan ang kahalintulad na insidente.

“The House Committee on Banks and Financial Intermediaries expects a report from the Bangko Sentral on this matter,” dagdag ni Salceda.