Bilang ng jobless na Pinoy natapyasan


BUMABA ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, ayon sa survey ng Social Weather Station.


Nasa 12.2 milyon ang walang trabaho noong Mayo kumpara sa 12.7 milyon na walang trabaho noong nakaraang Nobyembre.


Isinagawa ang survey noong Abril 28 hanggang Mayo 2.


Bagaman bumaba na ang bilang ng mga jobless, mas mataas pa rin ito ng 8.3 porsyento kumpara noong Disyembre 2019.


Karamihan sa mga walang trabaho ay kusang nag-resign habang ang iba naman ay nagsara ang pinapasukang kumpanya dahil sa pandemya.