ASAHAN ang bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong papasok na linggo matapos ang 11 linggong sunod-sunod na pagtaas.
Sinasabi na posibleng bumaba ng hanggang P11.71 ang presyo ng diesel kada litro, habang P6.20 naman ang inaasahang pagbaba sa presyo ng diesel kada litro.
Una nang sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na posibleng magkaroon ng rollback dahil sa nagaganap na peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine, at ang lower demand ngayon sa China dahil sa panibagong lockdown na ipinaiiral dito bunsod ng coronavirus disease.