Big time gunrunner timbog

NADAKIP ng pulisya ang isang diumano’y “big time” gunrunner at nakumpiska rin dito ang ilang matataas na kalibre ng baril sa isinagawang operasyon sa Pasay City at Imus, Cavite kamakailan.

Kinilala ang nasakote na si John Christian Bautista, na sinasabing matagal na umanong sabit sa mga operasyon ng gunrruning sa Metro Manila at karatig probinsya.

Nahuli ang 33-anyos na si Bautista sa isang entrapment sa isang gasoline station sa Macapagal Avenue sa Pasay City alas-11 ng gabi nitong Martes.

Nauna nang nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng NPD District Special Operations Unit (DSOU) na may nagaganap na bentahan ng mga baril sa isang chat group sa Facebook na pawang mga gun enthusiasts ang miyembro.